Search
  • BULGAR

Miscellaneous fees kahit online classes, dagdag-pahirap sa magulang at estudyante

ni Ryan Sison - @Boses | June 25, 2020



Athletic, guidance and counseling, library at medical fees — ilan ito sa mga sinisingil ng mga pribadong paaralan at unibersidad sa gitna ng distance learning dahil sa COVID-19 pandemic.


Kaya ang tanong ng mga magulang, bakit may mga ganitong singilin gayung online naman ang klase? Anila, ang mga sinisingil na fees ay pareho lang noong face to face pa ang klase.


Sa Lungsod ng Baguio, isang council resolution ang isinusulong kung saan hinihiling nila na kung hindi man 100%, kahit partial discount ang koleksiyon ng miscellaneous fee.


Paliwanag ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA), bagama’t online ang klase, kailangan pa ring maningil ng miscellaneous fee para sa maayos na pagpapatakbo ng paaralan at pagme-maintain ng mga pasilidad.


Gayundin, naiintindihan umano ng mga pribadong sektor na karamihan sa mga estudyante ay economically affected kaya ang ilan sa kanila ay nagsimula nang magbigay ng reduction o rebates sa school fees na kanilang sinisingil.


Ayon sa Department of Education (DepEd), may mga hindi na dapat singilin tulad ng library fee, pero posible ring may ibang gastos ang eskuwelahan sa ilalim ng online classes.


Hinihikayat naman ng DepEd ang mga magulang na sumulat sa school administration kung may mga tanong tungkol sa school fees para magkaliwanagan. Gayundin, kailangang maging transparent ng school administration para makita nila kung reasonable ang pagtataas ng bayarin.


Malaking pasanin sa mga magulang ang miscellaneous fees gayung problema pa nila kung paano makasasabay sa distance learning ang kanilang mga anak dahil sa kawalan ng sapat na kagamitan at access sa internet.


Tipong ‘yung ipambabayad ng miscellaneous fees ay puwede nang idagdag sa pambayad ng kuryente at internet na sasaluhin nila.


Kaya panawagan natin sa mga kinauukulan, gawing reasonable ang pangongolekta ng miscellaneous fee dahil lahat ay apektado ng pandemya.


Maraming magulang ang pansamantalang nawalan ng trabaho dahil sa lockdown kaya nawalan ng kita, habang ang iba naman ay wala nang babalikang trabaho.


Ikonsidera ang mga ganitong bagay dahil baka sa halip na maengganyo ang mga magulang na i-enroll ang kanilang mga anak ay mapilitan silang huminto muna.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.