Search
  • BULGAR

Mga pulis sa Cavite, nagpositibo sa COVID-19

ni Thea Janica Teh | June 26, 2020




14 pulis ng General Trias Municipal Police Station sa Cavite ang nagpositibo sa COVID-19 matapos itong sumailalim sa targeted testing para sa mga frontliner.


Sa isang pahayag, sinabi ng munisipalidad ng Gen. Trias na nasa isolation facility na ang mga nagpositibong pulis. Nagsasagawa na rin sila ng contact tracing para maiwasan ang pagkalat ng virus.


Kaya naman, pansamantalang sinuspinde ang pagbibigay ng travel authority at iba pang clearance ng Philippine National Police at inihahanda na ang online application system.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.