Search
  • BULGAR

Mga magsasaka sa Gitnang Luzon, humihirit na imbestigahan na ang isyu ng overpriced na fertilizer!

ni Ka Ambo - @Bistado | June 24, 2020



Mahalagang maging transparent ang gobyerno sa paggastos ng salapi ng bayan sa gitna ng pandemya.

Panay ang utang ng gobyerno sa iba’t ibang institusyon pero hindi nakakatiyak kung nagagamit ito nang maayos!

◘◘◘

Ordinaryong tao ang magbabayad ng naturang utang sa mga susunod na dekada mula sa buwis na ipapataw sa mga susunod na panahon.

Ang pondo ng gobyerno ay mula mismo sa buwis ng ordinaryong mamamayan!

◘◘◘

Alam kaya ni Agriculture Secretary William Dar na niloloko siya ng kanyang tauhan sa departamento?


Ipinagpipilitan niyang P1, 000 ang retail price ng isang bag ng urea fertilizer.


Walang ganyang retail price, bagkus ay mas mababa pa sa P850 kada sako nito.

Overpriced ang naisubasta ng gobyerno sa presyo ng fertilizers na ipamimigay sa mga magsasaka sa panahon ng pandemic!

◘◘◘

Kinumpirma ng pangulo ng Pambansang Mannalon, Mag-uuma, Magbabaul, Magsasaka ng Pilipinas (P4MP) na si Oftociano Manalo ang binanggit natin sa kolum na ito.


Aktuwal na nakabili si Mr. Manalo ng isang bag ng urea fertilizer at libre pa itong na-deliver sa kanyang bahay mula sa isang outlet sa Rosales, Pangasinan.


Isang bag ay may presyong P830 at ang ikalawang bag ay P810 ang presyo.


Malinaw na walang added cost sa transportasyon tulad sa ikinakatwiran ni Sec. Dar sa P1, 000 presyo sa isinubasta nilang urea fertilizers.

Wika ni Mr. Manalo: “I personally bought two bags of urea fertilizer last Friday. One cost P830 while the other fetched for only P810. And these bags were delivered to my house, which is at least 6 kilometers away from the outlet in Rosales, Pangasinan. That means the retail price already includes the delivery charge.”

◘◘◘

Malinaw na mali umano ang datos na inilalabas ng DA kaugnay sa P1.8 bilyong ipinasubastang suplay ng urea fertilizers.

Dagdag ni Manalo: “So the P990 to P995 price tag per bag under the supply contracts awarded by the DA, that is very wrong. They are making fools out of us.”

◘◘◘

Bahagi ang subasta ng stimulus program Ahon Lahat, Pagkaing Sapat Kontra COVID-19 (ALPAS sa COVID-19), na naglalaan ng P5.69 bilyon para sa pagbili ng urea fertilizer na ipamimigay sa mga magsasaka kaugnay ng pandemya ng COVID-19.

Walang retail store ng nagbebenta ng presyong P1,000 kada sako sa naturang rehiyon!

◘◘◘

Sa totoo lang, dapat magsagawa ng personal na pagsisiyasat si Sec. Dar upang matukoy niya kung nagsasabi ng totoo ang kanyang mga tauhan at ang mga magsasaka.

Nakakahiya ito at delikadong mapahamak ang gobyerno at masabit sila sa kasong korupsiyon sa Ombudsman!

◘◘◘

Hiniling na ng alyansa ng mga magbubukid sa Gitnang Luzon sa Ombudsman na imbestigahan na ang isyu.


“It is only right for the Ombudsman to start its probe, motu propio, to get to the bottom of this mess,” pahayag ng Alyansa.

Mahalagang matapos na ang isyu sa gitna ng panibagong subasta sa urea fertilizers na tiyak na bubusisiing mabuti sa Senado at Kamara ng mga representante sa susunod na linggo!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.