top of page
Search
  • BULGAR

Mga LSIs, balik-probinsiya bago mag-Pasko

ni Lolet Abania | September 27, 2020



Titiyakin ng pamahalaan na makakauwi ang lahat ng locally stranded individuals (LSIs) sa kani-kanyang lalawigan at makakasama ang pamilya nila sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.


Ayon kay Presidential Management Staff Asst. Sec. Joseph Encabo, ang lead convener ng programang Hatid Tulong para sa indibidwal na apektado ng lockdown, mas mababa na sa 500 ang bilang ng natitirang LSI sa buong bansa na kailangang ihatid sa kanilang probinsiya.


“Nasa less than 500 ang nasa aming listahan na kaya pa naming pauwiin. By early October, when the moratorium for the sending off of LSIs home will be lifted, magkakaroon tayo ng cluster sendoff ng remaining individuals at the Cultural Center of the Philippines (CCP), sabi ni Encabo.


Dagdag ni Encabo, mayroon na lamang 61 LSIs na nasa Cultural Center of the Philippines (CCP), ang national center ng Hatid Tulong initiative, sa Manila.


Gayundin, kalahati ng bilang ng LSIs ay nagmula sa Region 8 (Eastern Visayas) at ang natitirang kalahati ay sa Cotabato, Davao City at iba pang lalawigan sa Mindanao.


“Based on our technical assessment, there are less than 500 LSIs nationwide that we are trying to accommodate,” sabi ni Encabo.


Samantala, ang mga na-stranded sa Metro Manila dahil sa lockdown at iba pa sa kung saan-saang lugar ay makakabalik na sa National Capital Region at karatig-lalawigan at rehiyon.

Paliwanag pa ni Encabo, sila ang mga kababayan natin na nasa iba’t ibang lugar sa NCR na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at nabigyang serbisyo ng Hatid Tulong program.


Sa datos ng programa, nakapagpauwi na ng 130,000 hanggang 135,000 LSIs sa mga lalawigan simula ng operasyon nito noong Mayo at patuloy na madaragdagan bago matapos ang October.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page