Search
  • BULGAR

Men’s World Number 1 Tennis player, Novak Djokovic, nagpositibo sa COVID-19

ni Thea Janica Teh | June 23, 2020




Nagpositibo sa COVID-19 si Novak Djokovic, ang men’s world number one tennis player. Kuwento niya, agad silang sumailalim sa test pagdating nila sa Belgrade. Sinabi rin nito na wala siyang nararamdamang kahit anong sintomas. “My result is positive, just as Jelena’s (wife), while the results of our children are negative”.


Agad itong humingi ng tawad sa mga taong nakakuha rin ng virus at umaasa siyang hindi ito makasama sa kanilang kalusugan. Ibinahagi rin niya na magsasagawa siya ng self-isolation sa loob ng 14 araw at ulitin muli ang test matapos ang 5 araw.


Bukod sa kaniya, nagpositibo rin sa COVID-19 sina Borna Coric ng Croatia, Grigor Dimitrov ng Bulgaria at Victor Troicki na naglaro rin sa Adria Tour exhibition tournament kasama si Djokovic sa Balkan region.


Sa tournament na ito, nakita ang pagyayakap, paglalaro ng basketball, pagkuha ng litrato at pagdalo sa press conference. Bukod pa rito, nag-organisa rin si Djokovic ng isang night out para sa mga manlalaro na inilabas din sa kanilang social media accounts.

Hindi inobligang mag-social distancing ang mga manlalaro dahil ibinaba na ang lockdown sa Serbia at Croatia. Sinabi ni Djokovic na ang tournament na ito ay para makalikom ng pondo para sa mga manlalarong nangangailangan ng tulong.


Dahil sa nangyaring ito, kinansela na ang natitirang dalawang araw na event na kasama ng Adria Tour sa July 3-4 na gaganapin sana sa Banja Luka, Bosnia at may planned exhibit match kasama si Bosnian Damir Dzumhur sa Sarajevo sa July 5.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.