McCoy de Leon at Elisse Joson, nagkabalikan na
- BULGAR

- Aug 31, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 31, 2020

Bumuhos ang tuwa ng mga fans at ilang kapwa celebrity nina McCoy de Leon at Elisse Joson sa latest Instagram post ng aktor.
Caption ni McCoy sa picture kung saan hinahalikan niya sa noo si Elisse, "Always all ways."
Kabilang sa mga showbiz personality na nagpahayag ng kanilang tuwa sa naturang post ni McCoy ay sina Chie Filomeno, Maymay Entrata, Julia Barretto, Dimples Romana, Mylene Dizon, DJ Chacha at Eula Valdez.





Comments