top of page
Search
  • BULGAR

Mbah, tinapik ng Rockets para sa Westbrook at Harden duo

ni ATD - @Sports | July 10, 2020




Malapit na ang takdang araw na pagkasa muli ng 2019-20 NBA season na gaganapin sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.


Nagpalakas ng puwersa ang Houston Rockets matapos papirmahin ng kontrata si free agent forward Luc Mbah a Moute.


Nais ng Rockets na tapikin pa rin ang serbisyo ni Mbah upang makatulong kina James Harden at Russell Westbrook.


Inihayag ni Houston Rockets General Manager Daryl Morey ang ginawa nilang hakbang na kunin si Mbah upang makatulong sa kanilang team na naghahangad na masikwat ang korona ngayong taon.


Si 6-foot-8 Cameroonian Mbah ay 37th overall pick ng Milwaukee noong 2008 NBA Draft, naglaro siya sa Los Angeles Clippers sa 2018-19 at nag-average ito ng 6.4 points at 4.1 rebounds sa kanyang 686 career games kung saan 453 ay nasa starting five.


Nakapaglaro na si Mbah sa Rockets noong 2017-18.


Magsisimula ang bakbakan sa NBA sa July 30 kung saan 22 teams lang ang maglalaro pero magkakaroon muna ng 7-day exhibition games na ilalarga sa July 22.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page