top of page
Search
  • BULGAR

May taste sa pagpili ng mga artworks… BAHAY NI BEA, KA-LEVEL NG MGA MANSION NG MGA RICH AT FAMOUS

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 30, 2020




Maganda ang taste ni Bea Alonzo pagdating sa interior ng kanyang bahay. Maraming art pieces ang ginamit niyang palamuti pero hindi naman nagmukhang art gallery ang kanyang mansion.


Maayos at well-organized ang ayos ng kanyang bahay, puwedeng ihanay sa mga mansion ng mga rich and famous. Kaya naman, super proud ang aktres nang ipasilip niya ang kanyang bahay.


But for sure, may ilang bashers din na pupunahin ang kanyang ginamit na art pieces bilang dekorasyon. Pagdududahan kung totoo bang nakakaintindi ng arts si Bea. Nagpapa-impress ba ang aktres o pa-intellectual?


Well, porke ba artista lang si Bea, wala na siyang 'K' na mag-appreciate ng magagandang work of arts? Mukha namang may lalim ang pagkatao niya at hindi puro make-up, fashion at branded bags ang inikutan ng kanyang mundo.


Hindi naman kailangan na marunong mag-paint ang isang tao para malaman ang ganda ng obra ng mga visual artists. Basta ang alam namin, may class si Bea Alonzo sa pagpili ng dekorasyon para sa kanyang bahay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page