Search
  • BULGAR

Mas ligtas na pagpapadala ng agri at food products, isinusulong ng DOTr

ni Thea Janica Teh | June 29, 2020




Sa kaligtasan at seguridad ng pagkain natin sa COVID-19, nag-isyu ng Department Order 2020-007 si Transportation Secretary Arthur Tugade noong Miyerkules.


Ito ay nag-uutos sa mga domestic shipping line na magbigay ng hindi bababa sa 12% ng pagdadala ng kargamento na ekslusibo para sa agricultural at food products at sa mas abot-kayang shipping rates.


“At this period when the danger of the pandemic is still very real, the people must be assured that the production and delivery of food and agricultural items will not be hampered or delayed. This is important as many parts of the country remain under quarantine measures where movement is restricted,” sabi ni Tugade.


Ayon naman kay Department of Agriculture spokesperson Noel Reyes na makatutulong ito sa mga consumer upang maayos ang maliit na bilang ng supply ng mga pagkain at maiwasan ang pagtaas ng presyo.


Sinabi ni Tugade na kinakailangang mailabas ang guidelines sa Maritime Industry Authority sa loob ng 30 araw bago ito maging epektibo. Inutusan din ni Tugade na siguraduhin ng Philippine Ports Authority na susundin ng domestic shipping companies ang DO.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.