Search
  • BULGAR

Maliit ang suweldo at feeling hopeless makahanap ng part-time job, takot sumubok ng negosyo

Dear Roma Amor - @Life & Style | October 8, 2020




Dear Roma,


Ako si Van, 28, at full-time employee. Bago ang pandemic, okay naman ang kita ko kahit minimum wage earner ako. Kumbaga, nakakasurvive sa araw-araw at nakakapagbayad naman ng bills. Kaso nang magsimula ang lockdown, ako ang tumayong breadwinner dahil natigil sa trabaho ang aking parents at kapatid, kaya ang ending, akin ang lahat ng gastusin.

Dahil sa pandemic, nabawasan ang araw ng pasok ko which means, bawas din ang suweldo. Ang problema, hindi naman nababawasan ang gastusin, lalo na sa pagkain at nadagdagan pa nang magkasakit ang aking ama.

Sumubok naman akong maghanap ng part-time job, pero mahirap talaga. Takot din akong magnegosyo dahil wala akong masyadong alam. Gayundin, kaunting pera na lang ang meron ako at baka mawala pa ‘pag isinugal ko ito sa negosyo. Tingin mo, dapat ko na ba itong subukan para may dagdag na pagkakakitaan at pantustos?

Van,

Totoo ang sinasabi nilang parang sugal ang pagne-negosyo dahil hindi mo alam kung kikita ito o hindi. Pero ‘ika nga, paano mo malalaman kung hindi susubukan? Kung hindi ka pa confident magnegosyo, bakit hindi mo ito pag-aralan? Hindi mo naman kailangan mag-aral sa iskul kundi sa pamamagitan ng internet. Ngayong may pandemic, napakaraming nagkaroon ng sariling negosyo, puwede kang humingi ng tips o advice sa kanila. Mula sa kanilang experience, tiyak na may matututunan ka. Gayundin, maraming mga articles o content sa internet na makatutulong sa iyo, kaunting tiyaga lang. Subukan mo lang dahil wala namang mawawala. Good luck!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.