top of page
Search
  • BULGAR

Main host ng noontime show sa TV5… BILLY, TATAPATAN ANG IT'S SHOWTIME

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 1, 2020




Hindi lang pala isa kundi dalawa ang shows na iho-host ni Billy Crawford sa TV5!


Una, ang Laugh Out Loud na isang noontime show at kasama niya rito sina Bayani Agbayani, KC Montero, Wacky Kiray at K Brosas. Ang isa pang programa ng mister ni Coleen Garcia ay ang reality show na Masked Singer.


Last Saturday (Sept. 26), guest ni Vice Ganda sa kanyang online show na Gabing-Gabi Na Vice si Billy. Dating host si Billy ng nòontime show ng ABS-CBN na It's Showtime na makakatapat na ngayon ng LOL kung saan si Billy ang pinaka-main host.


Emosyonal na nagpaalaman ang magkaibigan.


Ani Vice, "Alam mo sa pamilya, meron ka talagang kapatid na lilipat ng bahay. Pero hindi porke't lilipat na siya ng bahay, hindi mo na siya kapatid, hindi mo na siya kapamilya, hindi mo na siya mahal. Maaaring lumipat na siya ng bahay, pero family pa rin tayo."


Hindi na napigilan ni Billy na tumulo ang kanyang luha habang sinasabing "Mahal na mahal ko kayo... mahal na mahal ko kayo."


Gumanti rin naman si Vice at sinabing mahal na mahal din niya si Billy at ang asawa nitong si Coleen Garcia na dati rin nilang kasamahan sa It's Showtime.


Ang huling show ni Billy sa Kapamilya Network ay ang Search For The Idol Philippines.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page