top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Magnanakaw ng manok nasakote

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 25, 2023


CAVITE—Isang magnanakaw ng panabong na manok ang dinakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Tres Crusez, Tanza sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Jovenor Calos, 25, residente ng Bgy. Punta 1, sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, isang residente ang nag-report sa pulisya na ninakaw ang tatlo niyang panabong na manok, at natiyempong napadaan sa checkpoint si Calos na dala ang mga ninakaw niyang manok kaya agad itong dinakip ng mga awtoridad.


Nabatid na hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga awtoridad sa checkpoint.


Nakapiit na ngayon ang suspek at sinampahan na siya ng kasong qualified theft.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page