Search
  • BULGAR

Magbobote, niratrat ng mga armado

@Balitang Probinsiya | June 27, 2020



MAGUINDANAO—Isang magbobote ang namatay nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Satan, Shariff Aguak.


Nakilala ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na si Gerson Gases, residente ng Bgy. Tambak, Lambayong, Sultan Kudarat.


Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, habang minamaneho ni Gases ang kanyang tricycle at namimili ng bote ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima.


Dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan ay agad namatay sa pinangyarihan ng krimen ang biktima.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Gases.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.