Search
  • BULGAR

Madonna, writer at direktor ng biopic movie

ni Lolet Abania | September 16, 2020





May proyektong gagawin si Material Girl Madonna na siya ring magdidirek at co-writer nito.


Ito ang upcoming biopic movie ng singer, actress at performer na tinaguriang Queen of Pop noong 1980 dahil sa mga successful albums niya tulad ng "Like a Virgin" at "True Blue." Lalong naging tanyag si Madonna sa mga awiting "Like a Prayer," "Papa Don't Preach," "Vogue" at iba pa.


Sa IG post niya tungkol sa kanyang film project, nasabi nitong, "Are you ready for the story of my life?"


Ka-team-up dito ni Madonna ang screenwriter na si Diablo Cody. Produced ang movie ni Amy Pascal at distributed ng Universal Pictures.


"I want to convey the incredible journey that life has taken me on as an artist, a musician, a dancer – a human being, trying to make her way in this world,” sabi ni Madonna.


"The focus of this film will always be music. Music has kept me going and art has kept me alive. There are so many untold and inspiring stories and who better to tell it than me. It’s essential to share the roller coaster ride of my life with my voice and vision," dagdag niya.


Itatampok sa biopic movie ang mga “untold story” sa buhay ni Madonna nang nagsisimula pa lamang siya hanggang sa kanyang kasikatan bilang aktres, singer at songwriter.


Samantala, magaling na ang 62-anyos na iconic singer matapos na magpositibo sa COVID-19 noong Mayo. Patunay ang sisimulang biopic project na nakarekober na sa virus si Madonna.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.