Search
  • BULGAR

Lumabag sa social distancing…KC AT MISIS, NAG-BAR, INARESTO

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 30, 2020




Usap-usapan sa social media ang pagkakadampot ng mga pulis sa TV host na si KC Montero nu'ng Linggo nang gabi.


Dinakip ng mga pulis si KC at asawa niyang model na si Stephanie Dos at ang mahigit 100 pa sa isang resto bar sa Makati City.


Diumano, nilabag ni KC at iba pang nadakip ang Republic Act 11332 o ang pagsunod sa ipinapatupad na social distancing sa bansa bunsod ng covid-19 pandemic.

Dahil dito, sinampahan sila ng kaso ng Makati City police.


Based sa mga sinabi ni KC sa news on TV, for the first time ay lumabas daw sila ng bahay nila ng kanyang misis para pumunta sa resto bar sa Makati.


Bukas daw ang naturang resto bar kaya sa pagkakaalam nila ay puwede naman silang pumunta.


Mariin pa niyang sinabi na lahat naman daw ay nag-o-observe ng social distancing at magkakalayo ang mga lamesa sa loob ng resto bar.


Kung meron man daw siyang pagkakamali ay 'yung 'di muna niya inalam nang mabuti kung sumusunod sa batas na pinapairal ang resto bar na pinuntahan nila.


By this time, posibleng na-inquest na sila para malaman kung ano ang kahihinatnan ng pagdampot sa kanila ng Makati police.


Hopefully, maayos din agad ang problema ni KC at ng misis niya, plus 'yung iba na we heard ay mga foreigners, hah?


Eh, sina KC at Stephanie, magwa-one year pa lang na nagsasama as husband and wife. Nagpakasal sila noong September 9, 2019.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.