Search
  • BULGAR

LSI’s, wala na sa Rizal Sports Complex

ni Twincle Esquierdo | July 31, 2020




Sa ngayon ay wala munang locally stranded individuals (LSIs) ang nanunuluyan Rizal sports complex dahil nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng pagdisimpekta sa nasabing lugar.


Sa isang panayam sinabi ni DOLE Undersecretary Benjo Benavidez na wala muna sa ngayon ang nanunuluyan sa Rizal sports complex.


“Sa ngayon po, wala na pong tao o LSI dun po sa stadium kasi ngayong araw, may

[decontamination] po tayo ngayon,”


“Yung mga naiwan at natira pa pong LSI ay dinala po natin sa isang temporary shelter. Yung mga nag-positive at immediate family po nila ay dinala po natin sa isang isolation area,” aniya


Ayon pa kay Benavidez ay halos 9,000 LSI’s ang nakauwi sa Region 9 nitong Huwebes at ang DOLE kasama si Benavidez ang nakatalaga para makauwi na ang mga LSI’s sa kani-kanilang lalawigan.


Ang Rizal Memorial Sports Complex ang isa mga tinutukan dahil maraming LSI’s ang na-stranded at nag-aantay ng tulong mula sa gobyerno para makauwi dahil puno na ang mga pasilidan para sa mga LSI’s noong Hulyo 25.


Naunang sinabi ni Presidential Management Staff Assistant Secretary Joseph Encabo na 48 LSI’s ang nagpositibo sa COVID-19 at ayon kay Benavidez ay gagawa ng paraan ang TGW upang hindi na maulit ang pagdagsa ng mga LSI’s at hindi na maulit ang ganitong senaryo.


“Ito po ay ayusin namin sa pag-ischedule ng paghiwa-hiwalay ng mga rehiyon nang sa ganun ay di po sila sabay-sabay na pumupunta sa isang venue.”


“Let’s say for next week, ipapadala natin yung mga  LSI papuntang Region 12 or Region 13. Hindi na natin paghahalu-haluin,”


“Nagkakaroon po ng bugso kasi kahit hindi pa po nila schedule, pumupunta na rin po sila sa venue,”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.