Search
  • BULGAR

LORNA, 'DI MA-TAKE NANG SA MOTEL I-STAY HABANG NAGTE-TAPING NG SERYE NI COCO

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 26, 2020




Ayon kay Lorna Tolentino, ang sitwasyon nila sa lock-in taping ng Ang Probinsyano ay napakahirap.


Nang pinababalik na sila ng ABS-CBN para mag-resume ng Ang Probinsyano ay pumayag si LT sa lock-in setup dahil ‘yun ang health protocols para makabalik-trabaho.


Pero, laking-gulat daw ni Lorna nang sa isang motel at hindi hotel sila naka-lock-in.


Ayon sa manager ni LT na si Manay Lolit Solis, hindi inaasahan ng kanyang alaga na sa motel sila mag-i-stay.


Nu’ng first night daw nila sa motel, sinabi ni Lorna na hindi siya makatulog nang mabuti. Nang ipinadala raw ang bill kay Manay Lolit, ang amount ng nasabing bill ay P214 na amount daw ng mga nagso-‘short time’ sa nasabing establishment.


Later on, may tumawag daw kay Manay Lolit na ang kanyang alaga ay inilipat na sa isang hotel na malapit sa ABS-CBN.


Hinggil sa talent fee ni LT, ayon sa kanyang manager, wala pa itong idea kung mababawasan ang TF ng aktres.


May napabalita rin kasing makakaltasan ang TF ng mga nagbabalik na Kapamilya artists, pero may bracket naman daw ang percentage na ibabawas. Kung nasa P15 K or less, wala na raw bawas.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.