Search
  • BULGAR

Lockdown sa Sri Lanka, ibinaba na

ni Thea Janica Teh | June 29, 2020




Inalis na ang lockdown sa bansang Sri Lanka ngayong Linggo matapos ang selective curfew at pagpapatupad nito noong nakaraang buwan sabi ng presidente ng bansa.


Nagsimulang sumailalim sa lockdown ang Sri Lanka noong March 20 at inalis din matapos ang 2 buwan ngunit, patuloy pa rin ang curfew.


Itinaas ang restriction noong May at June upang maiwasan ang mass gathering at religious festival.


“The curfew has completely been lifted eefective from today,” sabi ni President Gotabaya Rajapaksa sa isang pahayag.


Ibinahagi ng health official na ang bagong kaso na naitala ay noong April 30 na na-stranded sa Middle East na iniuwi at sumailalim sa quarantine. Sinabi rin ng health official na walang community spread at napigilan na ang pagkalat ng virus sa Welisara navy camp.


Samantala, sarado pa rin ang international flights nito at planong buksan sa August 1. Itutuloy na rin nila ang parliamentary election sa August matapos itong makansela dahil sa pandemic.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.