Search
  • BULGAR

Ligtas na training facilities, hanap para sa Olympic athletes

ni Gerard Arce - @Sports | June 26, 2020




Maghahanap ng iba pang hiwalay na training facilities ang Philippine Olympic Committee (POC) na maaaring pagdausan ng mga pagsasanay ng mga Tokyo-bound athletes at Olympic hopefuls sa mga darating na buwan upang magtuloy-tuloy ang paghahanda para sa Tokyo Games sa susunod na taon.


Inihayag ng POC na sakaling ilagay na ang karamihan ng rehiyon sa bansa, partikular na ang Metro Manila sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) sa susunod na buwan, susubukan nilang maglaan o makakita ng lugar na puwedeng pagsanayan ng mga sasabak sa qualifying events sa simula ng unang buwan ng 2021.


We can have a separate training facilities for those who are qualified and hoping to qualify, para tuloy tuloy ang training for 2021,” saad ni POC president Abraham Tolentino.

Hindi pa kasi maaring gamitin ang ilang pasilidad ng Philippine Sports Commission (PSC) tulad ng Rizal Memorial Sports Complex partikular na ang Rizal Coliseum at Ninoy Aquino Stadium sa Maynila at Athletes Village na sakop din ng New Clark City sa Capas, Tarlac, dahil ginawang quarantine facilities ang mga ito ng pamahalaan para sa Covid-19 patients.


Bukod dito ay susubukan ding makipag-ugnayan ni Tolentino sa mga pamunuan ng PSC at ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) na payagang makapagpatuloy muli ng pagsasanay ang nasa 60 pang atleta na nag-aasam ng slot sa Olympic qualifying.


Nakapila na lahat ng qualifers natin, so before that, the PSC is disccusing with the POC with continuing training for those who will compte in additional qualifying. Definitely early next year mag-oopen yan, too soon, kung di ngayong year, maybe by eaqrly next year,” eksplika ng pinuno rin ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (Philcycling).


Apat na miyembro na ng pambansang koponan na binubuo nina Ernest John Obiena ng pole vault, Carlos “Caloy” Yulo ng gymnastics, national boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang mga nakakuha na ng ticket sa 32nd quadrennial meet.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.