Search
  • BULGAR

Libreng tuition ng med students palit serbisyo sa ‘Pinas

ni Ryan Sison - @Boses | September 16, 2020



Sasagutin na ng pamahalaan ang matrikula, uniform, living allowance at iba pang gastusin sa eskuwelahan ng medical students.


Ito ang inaprubahan ng Senado kamakailan kung saan layon ng Medical Scholarship Act o Doktor Para sa Bayan Bill na suportahan ang pag-aaral ng mahihirap na kuwalipikadong mag-aaral na nais kumuha ng medical education.


Sa ilalim ng Senate Bill 1520, kapalit ng libreng edukasyon ang kondisyon na dapat magsilbi muna sa bansa ang mga estudyante kapag nakapagtapos at nakakuha ng professional license.


Ipinaliwanag ni Sen. Joel Villanueva, pangunahing may-akda ng panukala, ang pangangailangan ng naturang batas, gayung siyam lang ang public medical school sa bansa at kabilang ang Pilipinas sa mga bansang mahal ang medical education.


Kung tutuusin, hindi lang para makatulong sa mahihirap na estudyante ang layunin ng batas na ito dahil makikinabang din ang sektor ng kalusugan.


Ngayong may kinahaharap tayong pandemya, nakita natin kung gaano kahalaga ang mga doktor at iba pang health professionals sa bansa. Makatutulong ang batas na ito sa health sector para maging handa oras na magkaroon ng iba pang health emergency sa susunod na panahon.


Sana’y maibigyan ng oportunidad ang mga estudyanteng karapat-dapat o ‘yung wala talagang panggastos at pampaaral.


Panahon na para bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na kapos pero gustong maging doktor para makapagsilbi sa bayan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.