Search
  • BULGAR

Libreng contact tracing training program, hatid ng TESDA

ni Thea Janica Teh | August 17, 2020




Simula Setyembre, magkakaroon na ng libreng contact tracing training program ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ayon kay TESDA deputy director general Aniceto Bertiz III, ito ay 15-day training sa blended distance at face-to-face learning. Ito rin umano ay parte ng programa ng pamahalaan laban sa COVID-19.

Nauna ng naglabas ng memorandum para sa development ng competency-based curriculum para sa bagong training program si TESDA director-general Isidro Lapeña.

Dagdag pa ni Bertiz, kinakailangang sumailalim sa training ang mga gustong magtrabaho at magboluntaryo bilang contact tracer sa tulong ng Health Human Resources at Development Bureau ng Department of Health.

Dine-develop na rin umano ng TESDA ang online materials na gagamitin para sa programa at ito ay magiging libre pagdating ng Setyembre. Kaya naman, hinihikayat ni Bertiz na gawin itong oportunidad ng mga LGU at ilang malalaking korporasyon bilang gabay sa pagsasagawa ng contact tracing.

Ang mga gustong mag-train ay kinakailangang nakakumpleto ng atleast 10 years basic education at may good communication skills.

Ayon kay Vertiz, mayroon ng kaalaman ang DOH at ilang non-government organization sa contact tracing ngunit sa ibang sakit tulad ng HIV.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.