top of page
Search
  • BULGAR

Libreng annual medical check-up sa mga Pinoy, oks na oks!

@Editorial | August 13, 2020



Sa sitwasyon natin ngayon mas nakikita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malusog na pangangatawana.


Kumbaga, mas may laban tayo sa virus o anumang sakit.


Gayunman, aminin nating hindi lahat ay may kakayahang mapanatili ang maayos na kalusugan. Hindi lahat ay nakakakain ng masusustansiyang pagkain, nakaiinom ng vitamins o gamot. Gayundin, ang regular na pagkonsulta sa doktor.


Nakalulungkot na madalas ay saka lamang nakapagpapa-doktor kung kailan malala na ang kondisyon. Una sa mga inaalala ay ang gastos.


Kaya kung mabibigyan ng pagkakataong maipasa ang panukalang-batas na layong gawing libre ang annual check-up para sa mga Pinoy ay magiging napakalaking tulong nito.


Sa ngayon, pasado na ito sa House Committee on Health at sa ilalim ng inaprubahang substitute bill, sasagutin ng pamahalaan ang basic annual medical check-up sa mga government hospitals at institutions.


‘Ika nga, ang malusog na mamamayan at kayamanan ng bayan. At walang ibang aagapay o kakalinga sa taumbayan kundi ang gobyerno nito.


Kung magiging mas malawak ang serbisyo at maihahatid ito nang maayos sa publiko, tiyak na mabilis ang pagbangon at maiiwasan nang maulit ang pandemyang ito.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page