Search
  • BULGAR

Letran Knights, nag-zoom meeting para sa NCAA plans at trainings

ni ATD - @Sports | June 24, 2020




Kahit quarantine period ay sinisigurong may komunikasyon pa rin ang Letran Knights team.


Nananatiling nagsasama-sama ang Letran Knights basketball team sa pamamagitan ng "Zoom Meeting" sa online.


Ito'y matapos maispatan sa Instagram story ni NCAA season 95 Most Improved Player Fran Yu na kasama ito sa meeting ng Intramuros-based squad Letran gamit ang zoom.

Kasama rin sa pagpupulong ang head coach na si Bonnie Tan.


Nakasama rin sa nasabing virtual meeting ang ilang natirang Letran cagers at mga bagong miyembro para sa susunod na season.


Dahil may mga sinusunod na protocols mula sa Inter-Agency Task Force, (IATF) ay sa online muna nagkikita-kita ang mga tropang Knights para pag-usapan ang mga paghahandang gagawin sakaling magbalik na ang laro sa NCAA.


Ipinagbabawal pa ang trainings kaya tiis-tiis muna ang Letran at ibang koponan sa NCAA.


Samantala, wala pang katiyakan kung kailan sisimulan ang NCAA season dahil patuloy pa rin ang pamiminsala ng coronavirus.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.