Letran, kampeon sa NCAA; Tom, triple gold sa swimming
Updated: Dec 20, 2022
ni Green Lantern @Sports | December 19, 2022

Tinuhog ng Letran Knights ang three-peat matapos kalusin ang College of St. Benilde Blazers, 81-67 sa Game 3 ng NCAA Season 98 men’s basketball na ginanap sa Ynares Center sa Antipolo, Rizal, kahapon.
Kinapitan ng Intramuros-based squad, Letran si Finals Most Valuable Player, (MVP) King Caralipio para sikwatin ang magaan na panalo at ibulsa ang inaasam na titulo.
Nakapagtala si Caralipio ng average na 15 points per game, 8 rpg at 2 apg para sa Knights na lumaro sa do-or-die game na kulang sa armas dahil napatawan ng suspension ang pambato nilang si Fran Yu.
Tumikada si Caralipio ng 20 puntos at 10 rebounds para pangunahan ang Letran sa scoring.
Lumayo ang Knights ng akbayan ni Caralipio ang defending champions sa 19-2 run para hawakan ang 23-point advantage, 51-28 at manatili sa unahan sa halftime.
Bumakas si Brent Paraiso ng 16 markers, tatlong boards, dalawang assists at dalawang blocks para sa Letran.
Kumana si Season MVP Will Gozum ng 10 puntos at dalawang boards pero hindi sapat upang itaguyod ang Blazers sa panalo.

Samatnala, nilangoy ni Aubrey Tom ng Rizal ang pangatlong gintong medalya matapos manalo sa girls’ 400m individual medley sa Philippine Sports Commission-Batang Pinoy sa Quirino Stadium pool dito sa Bantay, Ilocos Sur., kahapon.
Sinungkit ni 15-year-old Tom ang unang triple-gold nang irehistro ang limang minuto at 31.10 segundo.
Nauna ng sisirin ni UAAP double-gold winner ang 100m free at 200m IM noong Sabado.
Ayon kay Cainta-based swimmer, Tom, muntik na siyang mag quit sa paglalangoy pero masaya na siya sa kanyang pagbabalik. “I almost quit, I’m just happy to be back and winning,” saad ni Tom.





Comments