top of page

Lebanon, nagdeklarang tuloy ang giyera sa Israel

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 12, 2023
  • 1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 12, 2023




Nagsalita na ang pinuno ng partido ng Hezbollah sa Lebanon nitong Sabado at idiniing mananatiling aktibo ang kanilang alitan sa Israel.


Kinumpirma nila na sila ay gumamit ng mga bagong armas na tumama sa mga bagong target sa kalabang bansa.


Pahayag ni Sayyed Hassan Nasrallah, nagpakita ang Hezbollah ng mas mahuhusay na bilang ng mga operasyon, sa sukat at bilang ng mga target, pati na rin sa pagsasaayos sa uri ng mga armas.


Pagbabahagi niya, ang kanilang grupo ay unang sumalakay sa bandang hilagang bayan ng Kiryat Shmona bilang ganti sa pag-atakeng ginawa ng Israel na kumitil sa buhay ng tatlong batang babae at sa kanilang lola ngayong buwan.


Aniya, patuloy ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page