Search
  • BULGAR

Lakers pasok na sa Western Finals, Rockets tinambakan

ni MC - @Sports | September 14, 2020




GIniba ng Los Angeles Lakers ang Houston Rockets, 119-94 sa Game 5 ng kanilang NBA playoffs best-of-seven semifinal series upang tuluyan nang umusad sa finals ng Western Conference (WC).


Hindi napigilan ng Houston ang ganadong si Lakers star LeBron James na kumamad ng 29 points upang tambakan ang palyadong Rockets mula 1st hanggang sa 4th quarter at hindi na lumingon. Umambag din sa panalo si Anthony Davis na pumuntos ng 13 points at 11 rebounds.


Walang nagawa ang Houston kundi masdan na lang ang Lakers na tila hindi napapagod at tinalo sila sa mismong estilo ng kanilang laro na "speed game." Marami ang humanga sa depensa ng Lakers at sa estilo ng coaching ni Frank Vogel na alam kung paano ang gagawing strategy upang talunin ang Rockets.


Ayon kay Vogel mabilis ang Rockets kaya tinapatan nila ito ng kapwa bilis at pansamantala muna niyang hindi pinaglaro ang kanilang mga sentrong sina Dwight Howard at Ja Vale McGee upang hindi sila maiwanan sa takbuhan.


Pagsapit ng kalahatian ng 4th quarter ay pinamahinga na ni Vogel ang star player na sina LeBron at Davis dahil tambak na ang Rockets ng mahigit 20 puntos o garbage time na. Kinapos naman ang ikinamadang 30 points ni James Harden at 10 ni Russel Westbrook na hindi rin nakaporma dahil sa higpit ng depensa ng Lakers.


Hihintayin na lamang ng Lakers ang mananalo sa laban ng Denver Nuggets at LA Clippers upang makaharap sa finals ng WC.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.