Search
  • BULGAR

Kung siya, may Hayden na… DRA. BELO KAY IVANA: PILIIN MO ANG TAMANG LALAKI PARA SA 'YO!

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 17, 2020




Nakipag-collaborate ang celebrity doctor na si Vicki Belo sa actress-YouTuber na si Ivana Alawi sa Car Wash Challenge ng doktora para sa kanyang YouTube Channel.


Nagawa na ito ni Ivana last month nang hamunin siya ng YouTube superstar na si Lloyd Cadena na mag-carwash silang dalawa before Cardena died.


Sa recent vlog ng doktora, bago sila nag-umpisang mag-carwash ay ininterbyu muna niya ang actress-vlogger.


Tanong ni Dra. Belo, ano ba ang kanyang sikreto at laging hit ang YouTube videos na kanyang ina-upload at halos mga kababaihan ang kanyang viewers?


Sagot ni Ivana, hindi rin niya alam kung bakit.


Napagkuwentuhan din nila ang love life ng sexy actress kung saan nagbigay ng advice ang celebrity doctor na piliin daw nito ang tamang lalaki for her.


Sa pagka-carwash ng dalawa, nakigulo ang anak nina Belo at Hayden Kho na si Scarlet Snow. Tuwang-tuwa ang mga viewers sa happy bonding nina Ivana, Dra. Belo at Scarlet.


“I had fun watching you Doc and Ivana do the carwash. Scarlet is not a maarte baby too. She’s a very good girl.”


“Dr. Belo, you’re “kalog” din pala. My Best Collab, I enjoyed watching…”


“I'd like the attitude of Dra. Belo, she's natural and her baby scarlet is very smart. Nice collaboration with Ivana.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.