Search
  • BULGAR

Kung mapalalakas natin ang turismo, makakatulong tayo sa pagbangon ng ekonomiya!

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | July 01, 2020


Balak ng pamahalaan ng Japan na i-promote ang “workcation” — o pagtatrabaho sa mga national park at hot spring resorts bilang pagtugon sa pagdalang ng turismo dulot ng COVID-19 pandemic.


Bilang isang bansang nabiyayaan ng napakaraming natural wonders, maganda rin sigurong ideya na pag-usapan ang pagtaguyod ng ganitong klaseng sistema sa Pilipinas.


Malaki ang potensiyal ng ganitong setup sa pagpapalakas ng turismo na isang haligi ng pambansang ekonomiya lalo pa’t mas maraming kumpanya ang gumagawa ng pivot tungo sa remote working.


☻☻☻


Ngunit tulad ng ibang programa, hindi natin ito dapat isagawa nang walang tamang pagpaplano.


Napakahalagang salik sa pagiging epektibo ng bawat programa ang pagkakaroon ng tamang imprastruktura.


Bago pa man kumalat ang COVID-19, nakilala na ang pagkukulang ng ating mga tourist spots na nagsisilbing balakid sa pagkamit ng ganap na potensiyal ng mga ito.


Kasama rito ang pagkakaroon ng maayos na daan, transportasyon, access sa healthcare at komunikasyon, kasama na ang malakas na internet connectivity.


☻☻☻


Hindi exclusive sa industriya ng turismo ang mga pangangailangang ito.

Ang mga salik na ito ay maituturing na basic need sa daan natin tungo sa modernisasyon at progreso.


Kung mailalatag natin ang mga pangunahing pangangailangan na ito, maraming industriya ang makikinabang dahil mapapadali ang mobilisasyon ng iba’t ibang resources.


☻☻☻


Tunay na napakaraming kailangang gawin ng pamahalaan upang muling makabangon sa dagok ng pandemya.


Ngunit ang pagtuon natin sa mga basic needs ay makakatulong upang magkaroon tayo ng tamang kapasidad at kapabilidad na harapin ang mga hamon ng modernisasyon.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.