Search
  • BULGAR

Kung dati raw, nasasaktan pa…

POPS, UMAMING NAGPAPASALAMAT TUWING WEDDING ANNIV. NILA NI MARTIN KAHIT HIWALAY NA

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 29, 2020




Wedding anniversary pala nina Pops Fernandez at Martin Nievera kahapon, June 28, at hindi ito nakakalimutan ng kanilang mga fans na gumawa pa ng video para alalahanin ang makasaysayang event na ito sa kanilang buhay.


Nakita ni Pops ang ginawang video ng fans nila na collection ng happier days nilang dalawa ni Martin, especially noong nagsisimula pa lang sila sa Penthouse Live.


Ini-repost ito ni Pops na halatang touched sa ginawa ng mga fans at sa caption ay nagpasalamat siya sa mga ito.


“I woke up this morning and I was tagged in countless videos... oh it's June 28!!! Hehehe thank you to all who still remember this day.. Thank you for your support, love and understanding.


“Thank you that even with our imperfections, you still love us. You have witnessed us fall in love.... fall apart .... mend our wounds... and yes, grow up....” ang simula ng caption ni Pops.


Sinabi rin ng singer/concert producer na dati raw ay nasasaktan pa siya kapag dumarating ang araw na ito, pero ngayon ay nagpapasalamat na lang siya.


“It used to pain me to remember this day, but now it helps me realize all the blessings and wonderful memories I am thankful for... I thank you that it has helped me understand the many aspects of love.... and that thru it all.... life goes on with God’s grace and love.... now, @martinnievera and I will always share this day with the ones who never forget.....” aniya.


She concluded, “Happy June 28!!!! May this day bring a whole new meaning to love (salamat po sa lahat ng effort gumawa ng videos. Ang galing n'yo, so resourceful).”


Nakakatuwa naman talaga na kahit matagal nang annulled ang kasal nina Pops and Martin ay inaalala pa rin ito ng kanilang mga solid fans at napakarami pa rin talagang supporters ng kanilang tandem.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.