Search
  • BULGAR

Kumander ng BIFF, sumurender

@Balitang Probinsiya | June 26, 2020



MAGUINDANAO—Isang kumander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa bayan ng GSK Pindatun.


Ang sumuko ay kinilalang si Abubakar Kaudin, alyas Kumander Buba, opisyal ng BIFF na nakabase sa nasabing lalawigan.


Nabatid na isinuko rin ni Kaudin mga dala niyang baril at bala sa 40th Infantry Battalion sa nabanggit na bayan.


Ayon kay Kaudin, ninais na niyang makapiling ang kanyang pamilya at makapagbagong-buhay kaya sumuko siya sa pamahalaan.


Samantala, isinasailalim na sa taktikal na interogasyon si Kaudin para matiyak na bukal sa kalooban nito ang pagbaballik-loob sa gobyerno.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.