Search
  • BULGAR

Kulong at multa sa sinumang magpapastol ng hayop sa forestland na protektado ng gobyerno

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | October 17, 2020



Dear Chief Acosta,


Marami kaming alagang baka na aming pinapasabsab at pinapakain sa forestland malapit sa aming tahanan. Pinagbawalan kaming gawin ito dahil pinoprotektahan ng gobyerno ang nasabing forestland. Tama ba ito? – Egay


Dear Egay,


Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Presidential Decree (PD) No. 705 o mas kilala sa tawag na Revised Forestry Code. Nakasaad sa Section 70 ng PD No.705 na:


Section 70. Pasturing Livestock. Imprisonment for not less than six (6) months nor more than two (2) years and a fine equal to ten (10) times the regular rentals due, in addition to the confiscation of such livestock and all improvement introduced in the area in favor of the government, shall be imposed upon any person, who shall, without authority under a lease or permit, graze or cause to graze livestock in forest lands, grazing lands and alienable and disposable lands which have not as yet been disposed of in accordance with the Public Land Act; x x x” 

Ayon sa nasabing batas, ang sinumang gagawing pastulan ng mga hayop ang mga forest lands, grazing lands at alienable and disposable lands na hindi pa naideklara, nailipat o na-dispose ng gobyerno alisunod sa Public Land Act nang walang kaukulang authority sa ilalim ng lease o permit ay maparurusahan ng kulong na hindi bababa sa anim na buwan at hindi hihigit sa dalawang taon. Maaari ring magmulta ng kapantay ng sampung beses na halaga ng regular na renta para rito bukod pa sa pagkumpiska sa mga alagang hayop at improvements na nagawa na sa lupa.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon. Mas mainam kung personal kayong sumangguni sa abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.