Search
  • BULGAR

KRIS, SUPER-HAPI SA BAGONG CHAPTER NG BUHAY NIYA

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | June 24, 2020




Pagkatapos ng ilang araw na pahulaan, finally ay ini-reveal na ni Kris Aquino ang binabanggit niyang "new chapter" sa kanyang buhay, na kanyang ipinagdiriwang kasama ng pamilya.


Of course, natuwa ang mga supporters at fans ni Kris sa aniya'y pagpirma ng bagong deal with Cornerstone Entertainment Inc. subali't hindi na muna nito binanggit kung anong "deal" ang nakasaad sa pinirmahang bagong kontrata.


Sa kanyang Instagram account, ipinost niya nu'ng Monday ang short clip of her contract-signing as she expressed her gratitude to her Cornerstone family for their “patience and perseverance.”


Pahayag ni Kris, “I was reminded by Attorney Gideon Peña that the contract I signed had 3 paragraphs regarding CONFIDENTIALITY. So for now, it’s just this video."


Sabi pa ni Kris, “I am allowed to thank my Cornerstone family for their patience and perseverance. Thank you to NEW partners for their vote of confidence,” dahil bago pa man siya nag-lie-low sa showbiz nitong 2018, ay mina-manage na siya ng Cornerstone.


Pinasalamatan din ni Kris ang kanyang pamilya at mga supporters, "For helping me pray for this moment to finally arrive,” aniya.


Tuwang-tuwa siya na hindi sumuko ang kanyang mga fans sa paghihintay tungkol sa “next chapter” sa buhay niya na ipinagdasal niya at ng kanyang mga kapamilya.


“Very soon you’ll know why my sisters & I were prayin’ and why my 2 sons were hugging me because they were so happy that their mama is excited about this next chapter in her life,” sabi pa ni Kris.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.