Search
  • BULGAR

KRIS, MALAS SA 2020, MAY SAKIT NA, WALA PANG CAREER

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 14, 2020




Marami na ang naaawa at nakikisimpatya kay Kris Aquino dahil sa sunud-sunod na rejections na natatanggap niya dahil lang sa kagustuhang muling makabalik sa telebisyon.


Ilang beses nang nabubulilyaso-nauudlot ang kanyang show sana sa TV5. Talagang hinahabol ng alat si Kristeta dahil laging nagkakaroon ng aberya sa kanyang pagbabalik-telebisyon. Kahit nagkapirmahan na ng kontrata at nakapag-pictorial na siya, bigla pang nakansela at nabalewala ang lahat ng preparasyon.


Napakalaking dagok nito sa buhay ng Queen of All Media. Masakit ito sa kanyang pride. Hindi ito katanggap-tanggap para sa kanyang mga loyal fans at supporters. Tulad ni Kris, hindi rin sila basta-basta susuko at gagawin ang lahat upang muling makabalik sa limelight ang kanilang idolong TV host.


Mistulang sundalo naman si Kris na habang nasusugatan ay lalong tumatapang at hindi sumusuko sa laban. Pero kung sunud-sunod na ang pagkatalo, makabubuti siguro na magpahinga muna at mag-ipon siya ng lakas bago sumugod ulit sa laban.


Tanggapin na ni Kris na ang taong 2020 ay hindi talaga para sa kanya. Palampasin muna ni Kristeta ang Year of the Metal Rat at bumawi na lang sa 2021. Pagpagin muna niya ang malas na dala ng taong 2020. Ipagpasalamat na lang ni Kris na ligtas silang mag-iina sa Covid-19 at ipagdasal niyang maging magaan at positibo ang taong 2021.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.