Search
  • BULGAR

Kotse, ibinenta na, ibang gamit, for sale na rin...

LAUREN, AYAW NA SA SHOWBIZ, SA LA UNION NA TITIRA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | June 25, 2020




Gusto na ring tularan ni Lauren Young si Andi Eigenmann na tuluyan nang iniwan ang city life at namuhay sa probinsiya na tahimik at simple lang.


Sa La Union daw balak manirahan ng younger sister ni Megan Young. Bago pa nagkaroon ng COVID-19 pandemic ay buo na ang plano niyang manirahan sa La Union.


Naibenta na nga niya ang kanyang kotse dahil back to basics ang gusto niyang pagsisimula sa bagong buhay. Maging ang ilan niyang gadgets at iba pang gamit ay balak na ring ibenta ni Lauren. Hindi naman niya ito madadalang lahat sa probinsiya.


Sanay daw sa buhay na simple sina Lauren dahil matagal silang tumira sa Zambales. Hindi na siya maninibago sa pagiging probinsiyana. Pero pati kaya ang kanyang showbiz career ay iiwanan na rin ni Lauren Young kapag pumirmi siya sa La Union?


Sayang naman.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.