Search
  • BULGAR

Kesa nu'ng todo-bida ng mga ginagawa bilang mayor…GOMA, MAS DUMAMI ANG FOLLOWERS DAHIL SA PAGLULUTO

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | June 25, 2020




Inamin ni Ormoc City Mayor Richard Gomez na ang ginagawa niyang pagluluto na kinukunan niya ng video na ina-upload niya sa YouTube ay pampawala ng stress niya sa dami ng trabaho niya bilang ama ng nasabing siyudad.


Base sa FB Live tsikahan nina Richard at Ogie Diaz nitong Martes ng gabi ay napagkuwentuhan nila na ginagawa lang ng aktor-pulitiko ang pagluluto kapag weekends.


“'Pag weekends ko 'to ginagawa, kasi kahit paano, marunong akong magluto. Tapos, dito sa bahay namin, marami kaming maliliit na garden, so ‘yung mga naiiwang lupa, tinataniman namin ng pechay, kamatis, basil, so kung ano ‘yung meron dito, ‘yun ang ginagawa kong part sa pagluluto," kuwento ni Goma kay Ogie.


Simula nu'ng nag-upload si Goma ng mga iniluluto niya sa kanyang YouTube channel ay dumami na ang mga followers niya at umabot na sa 118K at umaabot na rin sa 600K views ang karamihan sa Cooking with Goma kumpara sa mga nauna niyang in-upload na projects at kung ano ang ginagawa niya sa Ormoc City.


Nabanggit din ni Richard na maraming pinagdaraanan ang Ormoc City na dating free-COVID case, pero ngayon ay meron na silang 56 cases at sana, hindi na madagdagan pa at na-quarantine ang lahat ng nagdatingang kababayan niya mula Maynila.


Inamin din niyang malaking parte ng suweldo niya bilang mayor ay napupunta sa pagtulong sa mga kababayan niya.


Tinanong ni Ogie kung ano ang ginagawa ng kaibigang aktor-pulitiko para gumaan ang pakiramdam niya sa mga problemang hinaharap nito.


“Siguro, ang kagandahan lang ngayon, araw-araw lagi sa bahay sina Juliana (anak niya) at Lucy (asawa), so pag-uwi ko ng bahay, magkakasama kami. Iyon na ‘yung pinakadibersiyon namin, pampa-relax ng utak. Iyon na ‘yung kalimutan mo muna ‘yung problema, tatakbo naman 'yan, at least may family time naman dito (bahay).


“Unlike before kasi, si Lucy, congresswoman, based siya sa Manila, and then si Juliana, nag-aaral doon sa Manila. Pero ngayong walang klase, nandito sila.”


Diretsong tanong kung may planong tumakbo si Lucy sa higher position since last term na niya bilang congresswoman.


“Parang hindi, kasi wala sa radar namin na ganu’n ang tatahakin,” sambit ni Goma.

Sa madaling salita, magpapalit sila ng posisyon, si Lucy sa pagka-mayor at si Richard naman ang papasok sa Congress?


“Depende, kasi dapat, maganda ang relasyon ng congresswoman o congressman at mayor. Kasi ‘yung mayor, siya naman ‘yung nag-i-implement ng batas. ‘Yung congresswoman o congressman, sila ‘yung gumagawa ng batas at nagdadala ng malalaking projects sa distrito. Dapat magkakampi kayong dalawa para mabilis ‘yung progress, mabilis ‘yung pagpasok ng infrastructure program sa isang lugar. Ganu’n ang nangyayari sa amin dito ni Lucy, kasi sila ‘yung nasa national offices,” paliwanag ng hubby ni Congw. Lucy.


Sa tanong kung babalikan pa ni Richard ang pag-arte sa harap ng kamera, “Kung tapos na ako dito sa pulitika. Ang kagandahan kasi ng artista, simula bata hanggang sa tumanda ka, there is always a role na babagay sa 'yo.”


Samantala, natanong ni Ogie si Richard kung ano ang puwede nitong ipayo kay Sharon Cuneta-Pangilinan na may pinagdaraanan ngayon dahil sa pagtatanggol sa mga anak niya na bina-bash sa socmed at biktima ng cyber bullying.


“'Yun ang problema kasi sa social media, anybody can just post anything. Pag-post ng opinyon nila, post ng galit nila, post ng inis nila. Siguro, tayong mga artista, we have to accept the fact na mayroong may gusto sa atin, mayroong ayaw, so minsan, masakit at napupuno ka na, kahit naman ako, sumasagot ako sa mga ganyan.


“Tao rin tayo na nasasaktan, taong may damdamin. Kahit naman ako, madaling mapikon, so ang ginagawa ko, kung kaya ko silang i-delete, idini-delete ko sila. Kung kaya ko silang i-block, bina-blocked ko sila,” natatawang kuwento ni Richard.


At ang payo niya kay Sharon na planong idemanda ang mga taong nanakit sa mga anak niya?


“That is her right kung ano ang gusto niyang ikaso. Pero parang nakita kong humingi na yata siya (Ronald Carballo) ng paumanhin, well it’s her right (ituloy ang demanda),” say ng dating nakarelasyon ng Megastar.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.