top of page
Search
  • BULGAR

Kelot, dinedbol ng kapitbahay

@Balitang Probinsiya | October 1, 2020



ALBAY—Isang lalaki ang namatay nang saksakin ng kanyang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. 50-Padang, Legazpi City.


Kinilala ang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan na si Jose Bermudo, samantalang ang suspek ay si Roy Balinsayo, kapwa residente sa naturang barangay.


Batay sa imbestigasyon, nagkaroon ng pagtatalo sina Bermudo at Balinsayo na humantong sa pananaksak ng suspek sa biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi sa ospital si Bermudo sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Sa follow-up operations ay agad nadakip ng pulisya si Balinsayo na sinampahan na ng kasong murder.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page