Search
  • BULGAR

Kaya never daw iiwan… KATHRYN, AMINADONG LAHAT NG MERON NGAYON, GALING SA ABS-CBN

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 17, 2020




Malapit nang mapanood ang digital series na The House Arrest of Us na pinagbibidahan ng real-life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa Oct. 24 na ang online premiere showing nito.


Ayon kay Kathryn, kakaibang karanasan ang pinagdaanan nila ni Daniel habang nagsu-shooting ngayong pandemya.


Limited nga naman kasi ang mga tao ngayon sa shooting kumpara noon na ang dami-daming bumubuo sa production team. Kaya, kailangan nilang mag-multi-tasking at magtulungan. Pero, madali rin naman daw silang naka-adjust.


Sa nasabing panayam, muling nagpahayag ang aktres ng kanyang loyalty sa ABS-CBN at never daw siyang lilipat sa ibang network dahil wala ito sa mga plano niya.


“Aside from ABS-CBN being our mother network, sobrang malaking bagay sa akin ang loyalty. And eto 'yung way ko para pasalamatan 'yung network na kung anong meron ako ngayon, lahat ng blessings na nare-receive namin ni DJ, dahil sa kumpanya. So, ito 'yung panahon na pinakakailangan kami, so hangga’t kaya, nag-stay kami at nakikipaglaban hanggang makabangon ang ABS-CBN."

Happy siya na muli silang nabigyan ni Daniel ng opportunity na magpasaya ng tao rito sa bago nilang project na The House Arrest of Us. Patuloy din daw silang naniniwala na makakabangon ang ABS-CBN.


Makakasama ng KathNiel sa The House Arrest of Us sina Ruffa Gutierrez, Alora Sasam, Herbert Bautista, Dennis Padilla, Arlene Muhlach, at Gardo Versoza.


It will start airing on October 24 on KTX.ph and will also be available on iWantTFC.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.