Search
  • BULGAR

Kaya kahit sinopla ang anak, 'di pumalag… SIGAW NI SHARON: SINABI NI BEN KAY FRANKIE, 'DI BASTOS!

ni Julie Bonifacio - @Winner | July 01, 2020




Sinita ni Megastar Sharon Cuneta ang isang YouTuber na nag-quote sa kanya at dinadagdagan ang sinabi ng ina nina KC Concepcion at Frankie Pangilinan.


"I was bit offended," reklamo ni Megastar during her IG live last Monday night.


Pinik-ap daw ng naturang YouTuber ang vlog niya sa nakaraang IG live ni Mega na nasa YouTube channel na rin ni Sharon.


"Parang I was addressing Ben Tulfo directly which I never did. Tapos, humingi raw ako ng tulong kay Sir Raffy Tulfo. You know, kami ni Kuya Raffy, wala pang nangyayari na intriga o gulo, nagme-message-an na talaga kami," kuwento ni Mega.


Natutuwa at natatawa raw kasi siya sa show ni Raffy.


"At bilib talaga ako sa kanya. So, since they guested on my show noon, the Tulfo brothers, uh, sila ni Sir Erwin, sina Kuya Mon, ano na, eh, talagang tuwang-tuwa ako sa kanila."


Biro ni Mega, 'pag natatawa raw si Raffy sa show niya, natatawa rin siya. At natatawa rin daw siya kapag "naiiskandalo" siya sa mga kuwento ng mga tinutulungan ni Raffy.


"Of course, I never said anything naman kasi kapatid niya si Sir Ben. And, to tell you the truth, kumbaga, hindi ko ia-attack si Sir Ben Tulfo kasi hindi naman bastos 'yung pagkakasabi niya nu'ng sinabi niya kay Frankie.


"Ang naging nakaka-offend lang siguro nang konti, lalo kay Frankie, was that it sounded patronizing. Parang, uh, parang minamaliit ang opinyon niya.


"Kung tutuusin, hindi naman mali si Sir Ben. Pero, ang ipinaglalaban nga ni Frankie is hindi dapat bine-blame ang babae na nagagahasa o naaabuso dahil sa kasuotan.


"Pero lilinawin ko lang, dahil ito namang isang YouTuber na tuwang-tuwa siya, parang ang ambition niya in life is siraan ang kapwa tao, lalung-lalo na si Kiko (Sen. Francis Pangilinan) ngayon, pati ako at si Frankie."


May headline raw kasi ang naturang YouTuber na sinabi raw niya na okey lang magsuot ng shorts at kung anu-ano pa, na hindi naman daw nila sinabi.


"Kasi, you should know us by now, 'di ba? Sa PS I Love You (second movie ni Sharon with Gabby Concepcion pero first nila under Viva Films) nga, naka-maong ako, ha-ha-ha! Nasa beach! We always remind our children to dress modesty. And now, they are adults and they go to the beach, we don't expect them to wear turtle necks and jeans. They know what they're doing. Hindi sila nagsusuot nang malalaswa. Maaaring sexy pero 'di malaswa. At kahit sino'ng babae, kahit anong suot, meron ngang nagagahasa kahit kapatid natin maski balot na balot," sabi ni Mega.


Binanggit din ni Mega ang mga DDS trolls na galit kay Sen. Kiko.


"Sa pulitika naman, expected na 'yun. Ang masakit lang kasi, iba naman ang opinyon at mga utak namin, ng mga anak ko sa kung anuman ang ayaw nila sa tatay nila, o sa asawa ko."


Kahit sinong ina naman daw ay maiintindihan ang galit niya sa nag-post na gagahasain si Frankie.


"Ang punto ko lang, ganito, kung galit kayo kay Kiko o meron kayong hinaing tungkol sa anumang ginagawa niya, sa political career niya, tingin ninyo na ayaw ninyo sa performance niya, siya ang reklamuhan ninyo, 'di ba?


"Bakit kailangang pagsalitaan nang ganu'n ang anak ko?


"Wala namang ginagawa sa inyo ang anak ko. Wala namang ginagawang masama ang anak ko. Wala naman akong ginagawang masama."


Hanggang sa nabanggit ni Mega na may nagsabi raw na kaya siya ganyan katapang magsalita ay dahil sa kapangyarihan niya.


Itinanggi ito ni Mega dahil wala naman daw siyang power. Artista lang daw siya. Although, she admits na may mga kakilala siya and resources.


Sa huli, inamin ni Mega na for the last seven or eight months ay walang income na pumapasok sa kanya. Puro raw palabas ang pera niya.


Magkagayunman, wala raw siyang inisip kundi kung ano ang maitutulong niya sa kapwa nitong panahon ng pandemya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.