Search
  • BULGAR

KATHRYN, ATRAS PANG MAGKA-BABY KAY DANIEL

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | June 24, 2020




Bininyagan na ang anak nina Sofia Andres at Daniel Miranda.


Isa si Kathryn Bernardo sa mga ninang. Personal na um-attend ang actress sa binyag.


Sa intimate event, maraming nagtatanong sa aktres kung hindi ba siya naiinggit kay Sofia. Naunahan pa raw siyang magka-baby ng dating aktres.


Pawang ngiti lang ang sagot ni Kathryn kahit panay ang tudyo sa kanya ni Bianca King na isa ring ninang ni Zoe Natalia (name ng anak nina Sofia at Daniel).


Sabagay, sa huling panayam sa kanyang boyfriend na si Daniel Padilla, sinabi nitong five years from now ay magpapakasal na sila ni Kathryn.


Beach wedding ang dream ni Kath kaya naman mangyayari raw ‘yun para sa ikasisiya ng girlfriend.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.