Search
  • BULGAR

Kasabay ng 4th anniversary ng magdyowa…

ALEX, TODO-TULAK NA KAY LUIS NA MAG-PROPOSE KAY JESSY, AYAW PA RIN

ni Julie Bonifacio - @Winner | June 28, 2020




Kung one year na ang nabiting kasalang Angel Locsin at Neil Arce, happy and going strong pa rin ang relasyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.


Sa Instagram account ni Luis ay inilagay niya ang kanyang pagbati kay Jessy para sa 4th anniversary nila.


Ipinost ni Luis sa kanyang social media accounts ang series of pictures nila together ni Jessy na iba-iba ang kulay at hairstyle ng buhok.


"4 years of ups, downs... and so much more! Happy 4th howhow @senorita_jessy," caption ni Luis sa ipinost niya na pictures nila ni Jessy.


Agaw-pansin naman sa mga netizens ang comment ni Alex Gonzaga, na kung tawagin ni Luis ay "Ate". Sey ni Alex sa post ni Luis, "Luhod na!!!!"


Marami sa reply section ng IG post ni Luis ang inayunan ang comment ni Alex.


"Naunaham pa ni Mikee (fiancè ni Alex)."


"Ayh!!! Sooooosssss, oo nga, ang tagal n'yo na."


'Yung iba naman, nagbigay ng reaksiyon pagkatapos mabalitaan na break na raw sina Luis at Jessy.


"Bakit sabi po, hiwalay na sila? Luh. Ano ba 'yang chismis na 'yun?"

"Fake news lang daw 'yung hiwalay na."


Bukod sa mga reaksiyon na 'to, mas marami naman ang kinilig sa napaka-sweet na mensahe ng pagbati ni Luis kay Jessy.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.