Search
  • BULGAR

Karapatang maging lehitimo ng mga batang ipinanganak bago maikasal ang kanilang mga magulang

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 28, 2020


Pinangangalagaan ng estado ang kapakanan ng mga bata na magkaroon ng lehitimong estado sa kanilang pamilya. Kaya naman, binigyan nito ang mga bata ng proteksiyong maigawad sa kanila ang lehitimong estado bilang anak kung ang pagkakapanganak nila ay hindi sanhi ng ipinagbabawal ng batas na relasyon ng kanilang mga magulang.


Sa isang sitwasyon kung saan ang isang lalaki at babae ay nagsama sa iisang bubong at nagkaroon ng anak sa labas ng isang balidong kasal, subalit walang balakid na sila ay makapagpakasal noong araw na lumabas ang kanilang anak, ang nasabing anak ay itinuturing na hindi lehitimo. Subalit kapag ang common law husband and wife ay nagpakasal pagkatapos naipanganak ang bata, ang nasabing bata ay maaaring maging lehitimong anak ng nasabing mag-asawa sa bisa ng Affidavit of Legitimation. Ang partikular na probisyon ng Family Code tungkol dito ay ang mga sumusunod:


“Art. 177. Only children conceived and born outside of wedlock of parents who, at the time of the conception of the former, were not disqualified by any impediment to marry each other may be legitimated. 

Art. 178. Legitimation shall take place by a subsequent valid marriage between parents. The annulment of a voidable marriage shall not affect the legitimation.

Art. 179. Legitimated children shall enjoy the same rights as legitimate children. 

Art. 180. The effects of legitimation shall retroact to the time of the child's birth.

Sang-ayon sa mga nabanggit na probisyon, ang susunod na pagpapakasal ng mga magulang ng isang batang ipinagbuntis at ipinanganak sa mga panahong hindi kasal ang kanyang mga magulang, subalit walang legal na balakid para makapagkasal ay maaaring magbigay sa bata ng karapatang maging lehitimong anak.


​Matapos makapagpakasal ng kanyang mga magulang, maaari nang pumunta ang mga ito sa Local Civil Registrar kung saan nakarehistro ang kapanganakan ng kanilang anak para isagawa ang Affidavit of Legitimation upang maging lehitimo ang estado ng kanilang anak.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.