Search
  • BULGAR

Karahasan at pang-aabuso sa gitna ng lockdown, dapat tutukan

@Editorial | June 23, 2020



Sa gitna ng ipinatutupad na lockdown, nakaaalarma ang bilang ng naitatalang karahasan laban sa mga kababaihan at kabataan.

Nangyayari ito sa gitna ng kinahaharap nating COVID-19 pandemic.

Kaya sang-ayon tayo sa hakbang na maglagay ng hotline number ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine National Police (PNP) para may mapagsumbungan ang nabibiktima ng karahasan.

Batay sa ulat mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, 4,260 na kaso na ng pang-aabuso laban sa mga kababaihan at kabataan ang naitala sa buong bansa mula nang ipatupad ang community quarantine mula noong Marso dahil sa pandemya.

Sa naturang bilang, 2,183 ang naitalang krimen laban sa mga kababaihan habang 2,077 naman sa mga kabataan. At kaisa tayo sa panawagan na hustisya para sa mga biktima ng karahasan.

Kaya dagdag na hamon ang kinahaharap ngayon ng mga awtoridad. Hindi pa nga tayo nakakabangon mula sa COVID-19 na patuloy sa paglaganap ay nakikisabay pa itong mga kriminal.

Kapansin-pansin din na talamak na naman ang mga ilegal na droga na maaaring isa sa mga ugat ng iba’t ibang krimen sa paligid.

Hindi na talaga maubus-ubos ang mga taong walang konsensiya. Huwag n’yo nang hintayin ang ‘paniningil’.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.