Search
  • BULGAR

Kahit masakit daw, tinanggap na rin… SEN. BONG SA PADIR: I’LL JUST SEE YOU IN HEAVEN

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 30, 2020




“Daddy, mission accomplished ka na.”


Ito ang mga huling kataga na binitiwan ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa kanyang amang si Ramon Revilla, Sr. ilang minuto bago ito pumanaw noong June 26.


Ayon kay Sen. Bong sa kanyang Facebook Live, nagkaroon pa siya ng pagkakataon na makausap ang ama bago ito pumanaw at sinabi niya ang mga nais niyang sabihin.


“Sabi ko nga sa aking ama nu'ng bago siya pumanaw, few minutes before, sabi ko, ‘Daddy, it’s time for you to go. Mission accomplished ka na, nagawa mo na ang lahat para sa amin, para sa aming mga magkakapatid, napagsilbihan mo rin ang bayan, nagawa mo rin lahat ang gusto mong gawin, kaya it’s time for you to go home, I’ll just see you in heaven.’


“'Yun ‘yung mga huling kataga kong nabitawan sa kanya. Painful pero (ganu’n) talaga, eh. Mabigat. . .” pahayag ni Sen. Bong.


Hanggang ngayon ay hindi pa raw siya makapaniwalang wala na ang kanilang ama.

“Masakit talaga. Pero kailangan nating (maging) matatag. Pero kayo po ang nagbibigay ng lakas ng loob sa amin. Masakit mawalan ng ama. Ulila na po (kaming) lubos dahil wala na rin ang aking mommy, pero ganyan talaga. Sabi nga, ang bawat tao, may kani-kanyang oras, may kani-kanyang panahon. Lahat tayo, doon tutungo. It’s just a matter of kung ano ang mga maiiwan mo na legacy o karangalan dito sa ating kinalalagyan,” he said.


Alam daw niya na maraming tao mula sa iba’t ibang lugar na gustong pumunta sa burol pero dahil nga sa panahon ng pandemya ngayon ay hindi magawa ng mga ito. Naiintindihan naman daw niya kung maraming hindi makakapunta, that’s why nagbibigay siya ng live update sa FB for the benefit of those people na hindi makakapunta at gustong makita ang ama niya sa huling sandali.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.