Search
  • BULGAR

Kabilang sa mga nag-rally at ikinulong... 2 Jeepney drivers, positive sa COVID-19

Updated: Jun 22

ni Maeng Santos | June 21, 2020


Photo: Source



Isinailalim kahapon sa swab testing ang 129 detainees sa Caloocan Custodial Facility

matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawa sa anim na jeepney drivers na ikinulong makaraang arestuhin kamakailan dahil sa pagsasagawa ng protesta.


Ayon kay Caloocan City Police Chief Col. Dario Menor, apat na pulis na nakatalaga sa custodial center ang isailalim din sa test.


Bilang parte ng health at safety protocols, ipinag-utos niya na pansamantalang ipagbawal muna ang pagbisita sa detention facility dahil sa inaasahang gagawing pag-disinfect sa lugar ng mga tauhan ng City Health.


Nilinaw naman ni Menor na ang anim na PISTON drivers ay nakahiwalay sa karamihan na mga nakakulong dahil matatanda na sila simula nu’ng unang araw na pagkakulong nila hanggang sa kanilang paglaya matapos makapagpiyansa.


Nasa maayos namang kondisyon ang lahat ng mga detainees at walang nagpapakita ng sintomas subalit, kailangan pa rin aniya nilang isailalim sa swab test para sa health protocol.


Si Caloocan Rep. Edgar ‘Egay’ Erice ang nagpahayag na nagpositibo sa COVID-19 ang dalawa sa anim na PISTON drivers. Isa rin siya sa mga tumulong upang makalaya ang mga ito sa pamamagitan ng pagpiyansa sa kanila

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.