Search
  • BULGAR

Jeepney drivers, nagpasaklolo na kay P-Digong

@Editorial | June 27, 2020



“Makakalabas pa ba kami o hindi?”


Ito ang tanong ng mga jeepney drivers matapos magkaroon ng kalituhan sa magkataliwas na pahayag ng mga awtoridad kaugnay ng balik-pasada.


Una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga kongresista na papayagan nang pumasada ang mga jeep at UV Express sa susunod na linggo.


Gayunman, kinabukasan ay sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala pang katiyakan kung makakabalik ang mga jeep. Aniya, kung kulang pa ang masasakyan — bus, modern jeepneys at ang mga UVs, saka papayagan ang ilang jeep.


Ano nga ba talaga?


Sana’y huwag naman nating paasahin ang mga driver na sa pamamasada lang din umaasa para suportahan ang kanilang pamilya.


Kung hindi na sila papayagan, mas mainam na diretsuhin na.


Samantala, may ibang grupo rin ng jeepney drivers ang sumulat na kay Pangulong Rodrigo Duterte para umapelang payagan na silang makabiyahe.


Nakasaad sa liham na may paghahanda naman sila para makasunod sa mga tamang health protocol para sa kaligtasan ng mga drayber at pasahero.


Kasama sa kanilang apela na huwag ibigay sa mga modernong jeepney ang kanilang ruta.


At dahil sa kalituhan sa pahayag ng LTFRB at ng tagapagsalita ng Malacañang, nais nilang kay Pangulong Duterte mismo manggaling ang plano sa mga tradisyunal na jeep sa gitna ng pandemya.


Marahil ay ito na nga ang pinakamainam na paraan — ang Pangulo na ang magbigay ng hatol.


“Isang tanong, isang sagot: Makakalabas po ba ang mga lumang jeep o hindi?

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.