Search
  • BULGAR

Jeepney drivers na balik-pasada, doble-ingat ang kailangan laban sa COVID-19

@Editorial | June 30, 2020



Sa wakas, nabuhayan na ng pag-asa ang mga mamang tsuper na ilang buwan nang walang kayod.


Ito ay matapos tiyakin ng Department of Transportation (DOTr) na unti-unti ring papayagang makabalik sa operasyon ang mga tradisyunal o lumang jeep.


Ang kailangan lang gawin ay pumasa sa roadworthiness ang jeep bago makabiyahe.

Posibleng simula sa Huwebes o Biyernes ay mapapayagan na ang unti-unting pagbabalik sa biyahe ng mga traditional jeepneys.


Hindi maitatangging malaking tulong ang mga jeepney sa ating mga commuters. Maituturing itong pinaka-accessible, mura ang pamasahe at kumportable pa rin namang masakyan basta hindi tulad ng ibang kakarag-karag.


Ang kailangan lang masiguro ng mga drayber ay maging handa ito sa mga pagbabago dulot ng pandemya. Unang-una ang kaligtasan nila bilang mga nagmamaneho at siyempre ng kanilang mga pasahero. Bukod sa pag-iingat mula sa aksidente, mas dapat din nilang malabanan ang banta ng COVID-19.


Kailangan nilang tanggapin na hindi maiiwasang maapektuhan ang kanilang biyahe partikular ang kanilang kita. Limitado na ang kanilang maisasakay at obligado rin silang maihanda ang mismong jeep pagdating sa mga panuntunan na inilalatag laban sa pamdemic.


Talagang sa panahon ngayon, lahat ay nagbabago at kaakibat nito ay pagsasakripisyo.

Gayunman, huwag tayong mawalan ng pag-asa, lilipas din ang pagsubok at unti-unti tayong makakabangon.


‘Ika nga, ang buhay ay parang biyahe, may daraanan tayong maayos na kalsada, minsan meron ding malubak, ang importante ay makarating sa ating destinasyon nang ligtas at mas matatag.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.