JAMES, SINISISI SA PAGKALAOS NI LIZA
ni Nitz Miralles @Bida | February 22, 2023

Burado na ang lahat ng post pati ang mga photos sa Instagram account ni Liza Soberano.
Wala pang sinasabi si Liza kaugnay sa pagkawala ng mga posts niya. Pero walang itinira si Liza kahit isang post at photos sa kanyang IG.
“No posts yet” ang nakalagay sa IG ni Liza.
May nagpalagay naman na baka na-hack lang ang IG account nito. May nag-comment naman na baka nag-archive. May sumisi rin sa mga fans dahil sa mga nega comments at fake news kaya baka raw tinanggal ni Liza.
At pati si James Reid, sinisisi rin dahil kung hindi raw sumama si Liza kay James as her manager, sana ay may career pa rito ang aktres.
May nag-comment na ang daming speculations without proof. Hintayin na lang daw kapag nagsalita si Liza tungkol sa pagde-delete niya sa kanyang mga posts.





Comments