Search
  • BULGAR

J&T nagsalita na sa kumakalat na video ng paghagis ng mga parcel

ni Thea Janica Teh | June 23, 2020




Makikita sa viral video ang paghahagis ng mga parcel ng ilang kalalakihan papasok sa delivery truck. Ito ang naging dahilan kung bakit maraming netizen ang nabahala at nagreklamo na agad namang binigyang-pansin ng delivery company.


Sinabi ng J&T Express sa kanilang post sa Twitter na marami silang natatanggap na nagrereklamo dahil sa kumakalat na video sa social media. “We would like to reiterate that we do not tolerate such acts and behavior and we humbly take responsibility for this incident,” dagdag pa nito.


Nakilala ang J&T Express noong 2018 at nagsimula sa bansang Indonesia. Kasalukuyan itong ka-partner ng iba’t ibang online shop sa bansa kabilang ang Shopee.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.