Search
  • BULGAR

Isang marriage line, indikasyon na makakatuluyan ang bf kung matatag ang relasyon

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| June 24, 2020




KATANUNGAN

  1. Naisipan kong sumangguni sa inyo dahil gusto kong malaman kung ang kasalukuyan ko na bang boyfriend ang makakatuluyan ko? Minsan, natatakot ako na baka bigla niya akong iwanan dahil marami siyang babaeng kaibigan, pero hindi naman niya nililigawan dahil mga kasamahan niya ‘yun sa trabaho.

  2. Tototohanin kaya ng boyfriend ko ang pangako niyang pakakasalan niya ako kapag nakaipon na kami sa 2023?

KASAGUTAN

  1. Huwag kang mabahala, Andrea dahil iisa lang ang malinaw at magandang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay maliwanag na tanda na kung sino ang unang naging boyfriend mo na seryoso at totohanan, siya na ang iyong makakasama at makakatuluyan.

  2. Kaya kung siya ang unang seryoso at totohanan mong boyfriend at matagal na ang relasyon n’yo o may isa o dalawang taon na kayong mag-steady, walang alinlangan, kayo na ang magkakatuluyan.

  3. Ang pag-aanalisang kayo na ang magkakatuluyan ng boyfriend mo at magkakaroon ng masaya at panghabambuhay na samahan ay madali namang kinumpirma ng walang bilog, maganda at good looking din ang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa sandaling kayo ay nakasal ng iyong boyfriend, may pangako ng maligaya at panghabambuhay na samahan.

DAPAT GAWIN

Andrea, ayon sa iyong mga datos, wala kang dapat na ipag-alala dahil ang iyong tadhana ang tumitiyak na kahit maraming kaibigang babae o katrabaho ang boyfriend mo, magkakatotoo ang pangako niya sa iyo. Sa sandaling kayo ay nakaipon, sa itinakdang taon sa 2023, matutuloy ang inyong pagpapakasal, na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.