Search
  • BULGAR

Imbes na mga doktor, nurse at PPEs, 150 SAF commandos at mga tangke ang ipinadala sa Cebu

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | June 28, 2020



MGA DOKTOR, NURSE AT PPEs ANG KAILANGAN SA CEBU, HINDI SAF AT MGA TANGKE—Dahil sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 at sa dami na ng mga pasyenteng may virus na ginagamot sa mga ospital sa Cebu, nanawagan sina Dr. Rene Josef Bullecer at Dr. Peter Mancao ng Cebu Medical Society ng karagdagang doktor at nurse na makakatulong nila sa paggamot sa mga COVID-19 patients at magpadala ng PPEs (Personal Protective Equipment) na magagamit ng mga health workers.


Pero ang masaklap, imbes na mga doktor, nurse at PPEs, 150 SAF (Special Action Force) commandos at mga tangke ang ipinadala ng Duterte gov't. sa Cebu, boom!

◘◘◘


HEALTH SEC. DUQUE, DEDMA SA PANAWAGANG MAG-RESIGN KASI “NAKASANDAL SA PADER”—Nanawagan ang Alliance of Health Workers (AHW) kay Health Sec. Francisco Duque III na mag-resign na sa puwesto kasi sa halos limang buwan daw ay wala pa itong inilalatag na mga plano kung paano mapipigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa.


Tulad nang inaasaan, dedma lang si Sec. Duque sa panawagang mag-resign na siya sa puwesto kasi “para siyang nakasandal sa pader” lalo na’t si Presidential Spokesman Harry Roque na ang nagsabi na BFF ni P-Duterte ang utol ng DOH secretary, buwisit!


◘◘◘

FAKE NEWS KAY VP LENI, FOR PRESIDENT KAY MAYOR SARA—Halos lahat ng Facebook page at FB groups ng DDS ay ikinakampanya na ang kandidatura ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio for president sa 2022.


Kaya naman pala ginagawan na ng fake news ng mga DDS bloggers si VP Leni Robredo dahil ikinakampanya na nila ang kandidatura sa pagka-pangulo ng anak ni P-Duterte, pwe!


◘◘◘


SA PANAHON NG KRISIS, HINDI TAMA NA IKAMPANYA ANG “SARA DUTERTE FOR PRESIDENT 2022”—Mali ang ginagawa ng mga DDS na sa panahong nakakaranas ng krisis ang bansa ay ikinakampanya nila ang kandidatura sa pagka-pangulo ni Mayor Sara

Mantakin n’yo, ang dami nang nawalan ng hanapbuhay, nagugutom, namamatay at kahit patuloy pa rin ang nananalasa ang COVID-19 sa Pilipinas, pinalalaganap na nila sa social media ang “Sara Duterte for President 2022”, buwisit!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.